Una sa Balita

Thailander early-lead sa PHL Ladies Masters

By
0 4

Sinunggaban agad ni Kanphanitnan Muangkhumaskul ng Thailand ang liderato matapos kumana ng eagle-aided three-under 69 sa first round ng ICTSI Philippine Ladies Masters kahapon sa Alabang Country Club.

Inugusan ni Muangkhumaskul si Chihiro Ikeda na may bogey-free 70 at Taiwanese golfer Kuo Ai-Chen.

“I just got lucky my long putts kept rolling in. I had a hard time reading the greens,” ani Ikeda. “I must play my best in the last two days. We’ll never know what will happen,”

Si Lee Jeong Hwa ng Korea, winner ng dalawang events na Ladies Philippine Golf Tour at Taiwan LPGA, ay nagtala ng three-under at may six holes pang lalaruin, pero nakabitiw matapos irehistro ang dalawang bogeys at sumalo sa fourth na may 71.

Kumana si Hsieh Yu-Ling ng Taipei ng dalawang birdies at isang b­ogey para sa 71 kapareho nina Thais Chorphaka Jaengkit at Chatprapa Siriprakob.

May 72 si Symetra Tour player Mia Piccio, kasalo sina former LPGT Southlinks leg champion Hwang Ye-Nah ng Korea.

Si LPGA Tour-bound Dottie Ardina ay nag-birdie sa 18th tungo sa 73.

Ang three-time money list topnotcher sa LPGT na si Cyna Rodriguez ay may 75, inalat si Fil-Am Demi Runas sa 76 matapos ang triple bogey sa No. 15.