Una sa Balita

Thailand may curfew kontra coronavirus

0 541

Inanunsyo ng Thailand na magpapatupad na ito ng curfew sa buong bansa simula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-kwatro ng madaling-araw simula sa Biyernes para mabawasan ang bilang ng kaso ng coronavirus.

Hindi naman kasama sa curfew ang transportasyon ng mga medical supply, paglipat sa mga tao na sasailalim sa quarantine, pasyente at pagbiyahe ng mga medical personnel.

Ayon sa tagapagsalita ng pamahalaan, magkakaroon umano ng anunsyo sa national television ang kanilang punong ministro para ipaliwanag pa ang magiging kautusan. (AMF)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More