Una sa Balita

Thailand ayaw pasilat sa pentaque

0 279

IBINALIK ng Thailand ang kanilang mga pambato upang mapanatili ang kanilang korona sa pentaque competition sa 30th Southeast Asian Games na magsisimula ngayong araw sa New Clark City sa Tarlac.

Muling ibabangga ng Malaysia sina 2017 mixed double gold meda­list Aumpawan Suwannaphruk at Sarawut Sriboonpeng upang depensahan ang kanilang titulo laban sa mga tigasing kasaling team sa pangu­nguna ng Malaysia.

Nagwagi ang Thais ng dalawang gold, apat na silver at isang bronze medal sa Kuala Lumpur, habang dalawang ginto, isang pilak at tatlong tanso ang nakulimbat ng Malaysia.

Inaasahang mahigpit ang bakbakan sa pagitan ng Thailand at Malaysia sa medal race pero hindi naman basta magpapatalo ang mga mga Pinoy. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More