Una sa Balita

Thai king kontra sa pagtakbo ng kapatid bilang PM

0 364

MARIING tinutulan ng hari ng Thailand ang plano ng kapatid na babae na tumakbo bilang Prime Minister.

Diin ni King Maha Vajiralongkorn, hindi naayon at labag sa kanilang royal traditions ang hakbang ng kanyang kapatid na si Princess Ubolratana.

Hindi rin umano magandang tingnan sa kanilang mamamayan na sumawsaw sa politika ang mga may royal blood.

Si Princess Ubolratana, 67, ay tatakbo sa partidong kinaaaniban ni dating premier Thaksin Shinawatra.

Isa sa makakalaban niya sa March 24 elections ang lider ng military junta na si Prayuth Chan-ocha.

Namamayani ang constitutional monarchy sa Thailand sapul noong 1932 at may malawak na impluwensiya at mga deboto ang royal family.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy