Una sa Balita

Thai import Sutadta bobomba sa UVC

0 243

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Centre)
4:00 p.m. — PLDT vs Generika-Ayala
6:00 p.m. — Cignal vs United VC

IPAPARADA ng United Volleyball Club ang bagong import na si Thai star Sutadta Chuewulim pagharap nila sa No. 4 seed Cignal HD Spikers sa quarterfinals ng Phi­lippine Superliga Grand Prix sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Dumating sa bansa noong Linggo si Chuewulim at nakasali na siya sa ensayo ng United VC kahapon.

Hindi na bago si Chuewulim sa istilo ng mga Pinay netter dahil nakapaglaro na siya sa Cagayan Valley sa Shakey’s V-League, napasama rin siya sa guest team EST Cola sa PSL Invitational Conference noong 2016.

“With Sutadta on board, we will have another potent scoring option,” saad ni UVC coach Joshua Ylaya, “We played without an import for four games. We could have bagged a twice-to-beat edge had we played with an import in our past few games. But now that Sutadta is here, we expect to be competitive to give Cignal a very good fight.”

Magsisimula ang bak­bakan sa pagitan ng Cignal at UVC ala-6 ng gabi. 

Makakasama ni Chue­wulim na reinforcement ng UVC si Yaasmeen Bedart-Ghani, makakatuwang nila sina Fil-Ams Alohi Robins-Hardy at Kalei Mau sa event na suportado ng Asics, Mueller, Mikasa, Senoh, Team Rebel Sports, Bizooku, UCPB Gen, Cocolife, Hotel Sogo at Data Project.

Ipananangga naman ng HD Spikers sina import Erica Wilson at Anastasiya Artemeva kasama ang local stars na sina Rachel Anne Daquis, Acy Masangkay, Mylene Paat at Janine Navarro. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy