Una sa Balita

Thai duathlete gulapay sa pagod

0 386

NAPAUPO si Siriwan Kuncharin ng Thailand pagtawid ng finish line dahil sa sakit na nararamdaman sa kanyang paa.

Binalutan agad na may kasamang yelo ang paa ni Kuncharin at iika-ikang tumungo sa bandang finish line kung saan nag-aabang ang mga foreign at local media para mag-interview.

Ayon kay Kuncharin, masakit na ang kanyang paa pero pinilit tapusin ang laban, masaya siya sa suporta ng kanyang mga kababayan.

Nasilo ng Thailand ang gintong medalya sa Duathlon Mixed relay sa pangunguna ni Kuncharin, kasama niya sa team sina Sonsem Pareeya, Arthit Soda at Nattawut Srinate, nilista nila ang 1:28:48 oras. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More