Una sa Balita

Thai cave rescuer inakusahang pedophile

0 3,991

Inakusahan ng bil­yonaryong si Elon Musk ang isang Briton na tumulong sa pagligtas sa 12 bata at kanilang coach sa kuweba sa Thailand, bilang isang pedophile.

Ginawa ni Musk ang akusasyon sa Twitter nitong Linggo, kung saan may 22 milyong follower ang tech entrepreneur at CEO ng iba’t ibang high-profile American companies.

Sa kanyang tweet na agad din niyang binura, binanggit ni Musk na si Vernon Unsworth, isang British caver na naninirahan sa Thailand, ay isang “pedo” o pedophile.

Binuweltahan ni Musk si Unsworth matapos nitong barahin ang suhestiyon ng bilyonaryo na gumamit ng maliit na submarine para iligtas ang mga bata sa kuweba.

Matatandaan na si Unsworth ang si­yang tumulong sa mga rescuer para matunton ang kinaroroonan ng mga bata at ang 25-anyos nilang coach sa Tham Luang cave system.
Wala pang reaksyon si Unsworth sa akusa­syon sa kanya ni Musk.