Una sa Balita

TF ni Paulo sinosyo sa ‘Goyo’

0 240

abante-anything-goes-jun-lalinNAKAKATUWA naman ang positive feedback sa historical movie na “Goyo: Ang Batang Heneral”.

Aba, marami ang nagsasabing hahakot ng awards ang pelikulang ito ni Paulo Avelino dahil maganda talaga!

In fairness, pinagkagastusan ang “Goyo: Ang Batang Heneral” kung saan ay hindi kinubra ni Paulo ang kanyang talent fee at sinosyo na lang ‘yon sa pelikula para mas maging bongga ‘yon, huh!

May duda nga ang isang malapit kay Paulo na baka hindi lang talent fee niya ang sosyo niya sa “Goyo: Ang Batang Heneral” at baka naglabas paa siya ng sariling pera dahil kitang-kita naman kung gaano kagarbo ang nasabing pelikula.

Sa mga extra at production design pa lang, aba, kitang-kita naman na pinagkagastusan talaga ang pelikula, ‘noh?!

Sana nga, dumugin din sa ta­kilya ang “Goyo: Ang Batang Heneral” dahil maganda naman talaga ito kasi nakakapanghinayang naman kung palalampasin natin ang panonood sa isang magandang pelikula na katulad nito, huh!

Siyanga pala, huwag kayong mag-isip na baka publicist ako ng “Goyo: Ang Batang Heneral” dahil sa totoo lang, never nga nila akong inimbitahan sa mga presscon o premiere night man nila, huh!

Pino-promote ko ang “Goyo: Ang Batang Hene­ral” dahil worth it naman talaga ang panonood nito!

 

Martin ‘di kayang kabugin bilang Concert King

 

Bibilib ka kay Martin Nievera. Monday mor­ning lang siya nakabalik ng bansa, pero ratsada na naman siya sa trabaho.

That day nga, um-attend at kumanta pa siya sa birthday ni Senator Grace Poe.

Halos wala ngang pahinga si Martin, pero okey lang naman daw.

Sabi nga sa akin ng manager niyang si Joy Alonzo, mas nagrereklamo pa nga raw si Martin kapag walang ginagawa kesa ‘yung kaliwa’t kanan ang trabaho niya.

Enjoy nga si Martin kahit pa araw-araw siyang kumanta at mag-taping para sa LSS (Long Story Short) sa ANC.

Malayo si Martin sa ibang mga taga-showbiz na hindi marunong i-appreciate ang napakaraming mga trabahong dumarating sa kanila at panay pa ang complaint, ‘noh?!

Ang pagiging dedicated ni Martin sa trabaho ang dahilan kung bakit kahit 36 years na siya sa showbiz ay namamayagpag pa rin ang kanyang career hanggang ngayon at masasabi ngang hindi pa siya nakakabog sa pagiging Concert King, huh!Bibilib ka kay Martin Nievera. Monday mor­ning lang siya nakabalik ng bansa, pero ratsada na naman siya sa trabaho.

That day nga, um-attend at kumanta pa siya sa birthday ni Senator Grace Poe.

Halos wala ngang pahinga si Martin, pero okey lang naman daw.

Sabi nga sa akin ng manager niyang si Joy Alonzo, mas nagrereklamo pa nga raw si Martin kapag walang ginagawa kesa ‘yung kaliwa’t kanan ang trabaho niya.

Enjoy nga si Martin kahit pa araw-araw siyang kumanta at mag-taping para sa LSS (Long Story Short) sa ANC.

Malayo si Martin sa ibang mga taga-showbiz na hindi marunong i-appreciate ang napakaraming mga trabahong dumarating sa kanila at panay pa ang complaint, ‘noh?!

Ang pagiging dedicated ni Martin sa trabaho ang dahilan kung bakit kahit 36 years na siya sa showbiz ay namamayagpag pa rin ang kanyang career hanggang ngayon at masasabi ngang hindi pa siya nakakabog sa pagiging Concert King, huh!