Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Testigo vs Pharmally minamanmanan – Hontiveros

0 240

Isa sa mga testigo sa imbestigasyon ng Senado sa pagbili ng gobyerno ng diumano’y overpriced pandemic supply ang natatakot sa kanyang buhay matapos mapag-alamang may dalawang lalaking nagmamamanman sa kanya, ayon kay Senadora Risa Hontiveros.

Sa screenshot na ibinahagi ng senadora sa komite, isang kaibigan ng lalaking testigo ang nagsabing dalawan­g lalaking nakamotorsiklo ang naghahanap sa kanya.

Nag-alok din umano ang mga lalaking nakamotorsiklo ng P2,000 para ituro ang kinaroroonan ng testigo.

“‘Yon ang napakita sa screenshots na noong isang gabi, may dalawang nakamotor na pinaghahanap siya at nag-aalok ng P2,000 sa isang tao para ituro kung saan siya nakatira,” sabi ni Hontiveros.

“Kaya siya (witness) natatakot para sa kanyang buhay,” dagdag nito.

Si Hontiveros ang nagprisenta ng testigo sa Senado na isang lalaking manggagawa na nauna nang nagbunyag na binago nila ang expiration date ng mga face shield na dinala ng Pharmally sa Department of Health (DOH) noong nagdaang taon.

Kinumpirma din Pharmally regulatory affairs head Krizle Mago sa Senado ang pahayag ng testigo subalit binawi sa pagdinig ng Kamara noong Oktubre 4. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.