Una sa Balita

Testigo vs De Lima, 6 na — DOJ

By , ,
0 176

May anim na testigong ihaharap ang Department of Justice (DOJ) para patunayan ang pagkakasangkot ni Sen. Leila de Lima sa “drug trade” sa loob ng National Bilibid Prison (NBP) noong panahon ng kanyang panunungkulan sa nasabing ahensya.

Sinabi ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na kabilang sa mga testigo na magpapatunay ng pagkakasangkot ni De Lima ay mismong bilanggo sa NBP, prison guards at maging kaibigan ni De Lima na magpapatotoo na tumatanggap ito ng drug money.

“We are taking their statements. We hope to take at least six witness affidavits, and they will be presented during the House investigations on the proliferation of illegal drugs at the NBP,” ayon kay Aguirre.

Kung masusuportahan ng matibay na ebidensya at testimonya ang alegasyon, sinabi ni Aguirre na maaaring masampahan ng kasong graft at paglabag sa anti-illegal drugs law si De Lima.

Bida pa ng kalihim, bumabaha umano ang mga boluntaryong nagbibigay ng impormasyon hinggil sa sinasabing ‘drug link’ diumano ni De Lima “sa loob” ng national penitentiary.

Mula naman sa Kamara kung saan pormal nang sisimulan ang imbestigasyon sa NBP drug connection, sinabi ni House Speaker Bebot Alvarez na walang pamemersonal sa kanilang aksyon at lalong hindi umano nila pipilitin o oobligahin si Sen. De Lima na dumalo sa congressional hearing.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More