Una sa Balita

Test ride sa taxi bago taas-pasahe

By
0 86

Pinaalalahanan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang lahat ng mga taxi na dapat munang ipa-calibrate ang kanilang metro para mailagay sa permanente ang P40 na flag-down rate ang dagdag na P3.40 sa bawat kilometrong distanya ng biyahe at P2 sa kada minuto ng travel time.

Ayon kay LTFR­B board member at spokesperson Atty. Aileen Lizada,­ bahagi ng gagawing recalibration ang test ride sa mga taxi para matukoy kung tama ang magiging patak ng metro.

Kung hindi makikitaan ng problema ng inspector mula sa LTFRB ay seselyuhan na ang taxi meter.

Sa ilalim ng bagong rate na inaprubahan ng LTFRB, ang biyahe na may layong 10-kilo­metro at tatagal ng 45 minuto ay papatak­ sa P265 ang pamasahe­ gamit ang formula­ na P40 flag-down + P13.50 x 10 kilometro + P2 x 45 minuto.

Inaprubahan ito kamakalawa ng LTFRB batay sa matagal nang petisyon ng sektor ng taxi. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy