Una sa Balita

TESDA Scholarship pinagkakitaan

Anomalya isinumbong na kina Duterte, Bello

By
0 5,489

Marami pa ang nangyayari sa loob ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) bukod sa kontrobersiyal na sex scandal na kinasasangkutan ng isang opisyal ng ahensiya, ayon kay Bishop Ruben Lambojon.

Si Lambojon ay chairman ng National Interfaith Council of the Phi­lippines na kaalyadong religious organization ng Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC).

Inihayag ni Lambojon na mismong ang opisyal na inaakusahan ng pangmomolestiya sa dalawang empleyado at isang janit­ress ng TESDA ay talamak din ang ginagawang koraps­yon sa loob ng ahensiya.

Sinabi ni Lambojon na inirereklamo rin ang naturang opisyal ng pangongolekta ng komis­yon o kickback sa mga pinapalabas na pondo ng ahensiya para sa scholarship program at nakasaad umano ito sa Inspectorate Report ng TESDA.

Bukod sa nasabing opisyal, nakikialam din umano ang asawa ng isa pang opisyal ng TESDA sa pamamalakad sa loob ng ahensiya.

Mistula umanong ang opisyal na sangkot sa sex scandal at ang asawa ng isa pang opisyal ang siya nang nagpapatakbo sa TESDA.

Kabilang umano sa pinapakialaman ng asawa ng isa pang opisyal ang pagpapalabas ng scho­larship fund sa mga kaibigan o cronies nito na nagmamay-ari ng mga training center gayundin ang pagtatalaga ng mga director ng TESDA.

Kasabay ng kanyang pagbubunyag, sinabi pa ni Lambojon na may hawak siya na sulat na isinumite ng mga nabiktima ng opisyal sa sex scandal sa tanggapan ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III.

Pinadalhan din umano ng kopya ng reklamo si Pangulong Rodrigo Duterte kung saan ay isinalaysay ng mga biktima ang kanilang mapait na karanasan sa nasabing opisyal.

Hiniling din ng mga biktima sa Pangulo na mabigyan ng aksyon ang kanilang reklamo upang hindi na ito maulit sa iba pang empleyado ng TESDA.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy