Una sa Balita

TESDA regional director, natagpuang patay

By
0 45

Natagpuang patay sa kanyang silid ang Western Min­danao regional director ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at patuloy kahapon ang imbestigasyon ng pulisya dito.

Nakilala ang biktima na si Edgar Aposaga, at natagpuan ito na wala ng buhay sa kanyang kuwarto sa kanilang staff house sa Pagadian City, ang regional center ng Zamboanga.

Hindi pa mabatid ang dahilan ng pagkamatay ng 59-anyos na si Aposaga. Nadiskubre umano ang bangkay ng opisyal matapos na dumating ang driver nitong si Vic Barredo na siyang agad na tumawag sa pulisya upang ipabatid ang nangyari.

Wala umanong nakitang kakaiba sa silid ni Aposaga at wala rin umanong mga nawawalang kagamitan doon.

May hinala ang pulisya na posibleng inatake sa puso ang opisyal, subalit wala pang pormal na pahayag ang crime laboratory ukol dito dahil hindi pa tapos ang pagsisiyasat. 

Dadalhin rin umano sa Ozamiz City ang katawan ni Aposaga na kung saan ay natibo ito ng lugar.