Una sa Balita

TESDA provincial director arestado sa pampasabog

0 282

KULONG ang isang mataas na opisyal ng Technical Skills Education Authority (TESDA) Basilan na sinasabing konektado umano sa teroristang grupong Abu Sayyaf matapos makuhanan ng Improvised Explosive Device (IED) at mga sangkap sa paggawa ng bomba kahapon sa bayan ng Isabelita, Basilan.

Kinilala ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Force Unit 9 Chief Police Col. Tom Tuzon ang naaresto na si Muida Hataman, dalaga, TESDA Provincial Director ng Basilan.

Ayon sa ulat, dakong alas-4:10 nang mada-ling-araw nang magsi-mulang isilbi ng pinagsanib na puwersa ng pulisya sa pangunugna ng CIDG ang search warrant laban sa suspek sa kanilang bahay sa Brgy. San Rafael, Isabelita, Basilan dahil umano sa pag-iingat nito ng mga pampasabog.

Natapos ang paghahalughog sa bahay ni Hataman dakong alas-5:45 nang umaga at nakuha sa pag-iingat nito ang mga IED at mga sangkap sa paggawa ng pampasabog at mga materyales nito.

Ayon pa kay Tuazon, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa koneksyon ni Hataman sa isang sub leader ng Abu Sayyaf na ngayon ay pa-tulyo pa rin nilang isinasailalim sa beripikasyon. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy