Una sa Balita

TESDA accredited training center may libreng seminar sa caregiving

0 473

MAGANDANG balita para sa mga Pinoy na nagnanais na kumita ng malaki at magtrabaho sa Japan.

Inanunsiyo ng Coope­rative Union Business Supply Aichi (CUBSA), isang Japanese union na tumatanggap ng mga manggagawang Pilipino sa Japan, ang libre at on-going na training seminar sa Japanese caregi­ving sa Makati City.

Isinasagawa ito sa training facility ng Pro-Tech Skills Development Center Corporation (PTSDCCC) sa Makati City na isa sa prestihiyosong training center na accredited ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ayon kay Kawamichi Nobuaki, presidente ng CUBSA, nagsimula ang libreng training seminar noong Hunyo 19 at tatagal ng hanggang Hunyo 26.

Ito ang kauna-una­hang training seminar sa bansa at layon nito na maihanda ang mga Pinoy sa kanilang employment sa Japan at maituro at maipaunawa sa mga Filipino care worker at nurse ang mga makabagong paraan na ginagamit ngayon sa Japanese caregiving.

Ang libreng training-seminar ay first-come, first-served basis at bukas sa lahat ng Filipino nurses at mga caregiver na nagnanais na magtrabaho sa sektor ng caregiving sa Japan.

Sinabi ni Pro-Tech president Jose Lorenzo Escueta Beech na matagal na nilang plano ng CUBSA ang pagdaraos ng mga libreng seminar na isasagawa sa mga accredited training center ng TESDA sa buong bansa.

Naniniwala sina Beech at Nobuaki na magandang pagkakataon ito para sa mga Filipino care worker at nurse na magtrabaho sa Japan at maging pamilyar sila sa mga panuntunan, pa­ngangailangan sa mga manggagawa pati na rin sa kultura ng mga Hapones. (Mia Billones)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy