Una sa Balita

Tertiary Education Subsidy, nakahanda na para sa mga college student!

By
0 748

Panalong balita para sa 2019!

Talaga namang napakaganda ng pasok ng bagong taon para sa ating mga college student dahil tuloy na tuloy na ang implementasyon ng Tertiary Education Subsidy (TES) na mapakikinabangan ng mga estudyante mula sa mga pribado at pampublikong paaralan sa buong bansa.

Aprubado na ang TES sa mga mag-aaral ng 412 private school mula sa Luzon, habang 380 private school naman sa Visayas at Mindanao. Ito ang inanunsyo ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero De Vera III ilang linggo lamang bago matapos ang nagdaang taon kung saan pumirma ito ng kasunduan kasama ang mga private Higher Education Institutions (HEIs) sa pamamagitan ng Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education Act (UniFAST).

Ang TES ay nakalaan at nakadisenyo para sa mga estudyanteng naka-enroll sa anumang HEIs, gayundin sa mga State Universities and Colleges (SUCs), Local Universities and Colleges (LUCs) at Technical-Vocational Institutions (TVIs) na makakatanggap ng P60,000 kada taon para sa kanilang tuition at miscellaneous fees.

Nakakatuwang malaman na sa wakas ay naisakatuparan na rin ang pagbibigay ng gobyerno ng libreng college subsidy hindi lamang para sa kabataang nag-aaral sa mga public school kundi maging sa mga naka-enroll sa mga private school.

Naalala ko ang mga nakaraang buwan noong napabilang at nasaksihan ng inyong lingkod ang pagsasagawa ng serye ng Nationwide Information Caravan ng CHED upang mahimay ng lubos ang mga nilalaman ng Republic Act 10931 o ang Universal Access to Qua­lity Tertiary Education Act at matugunan ang mga tanong at concern ng iba’t ibang education institution.

Mula sa 300,000 bene­ficiary na nakalaan sa 2018 General Appropriations Act kung saan P16 bilyong pondo ang nakalaan, 13,760 nito ay mga scholar mula sa Expanded Students’ Grants-in-Aid Program for Poverty Alleviation (ESGP-PA) sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Sila ang mga batang kapus-palad na kabilang sa mga indigent family na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng DSWD na marurunong at res­ponsable sa kanilang pag-aaral.

Muli, Happy New Year at welcome back sa inyong pag-aaral!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy