Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Terrence umeksit sa Philippine Cup

0 83

MULI na namang umeksit sa PBA bubble si Terrence Romeo nang mapaulat na kailangang ipa-check ang kanyang Achilles.

Nitong Linggo lang ay hindi na rin sumali pa si former FEU Tamaraw sa laban nila kontra Magnolia dahil sa iniindang sakit ng kanyang injury.

Napuruhan kasi ang paa ni Romeo noong Biyernes sa pagitan ng koponan niyang San Miguel Beermen at Phoenix sa 1st quarter.

Related Posts

Umiskor lang si Romeo ng 3 points, 3 assists at 1 rebound at pagkatapos ay hindi na muna bumalik sa hardcourt.

Kasalukuyang league best ang 19.0 points per game production ni Romeo kasahog ang 4.5 assists at 2.5 rebounds sa loob lamang ng anim na laro. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.