Una sa Balita

Terrence, Beermen idedemolis ang Ryukyu

0 327

TATANGKAIN ng San Miguel Beer na makasikwat ng semifinals berth sa East Asia League Terrific 12 laban sa defending champion Ryukyu Golden Kings sa Macau.

Ngayong Huwebes ng 7pm ang tipoff sa Tap Seac Multisports Pavilion.

Kailangan ng Beermen ng panalo para makaiwas sa quotient system.

Dinemolis ng Beermen ang Shenzhen Aviators 90-76 sa unang laro nila sa Group B kahapon sa harap ng partisan Filipino crowd.

Tumabo ng 29 points si Governors Cup import Dez Wells, tumapos ng 17 markers si Terrence Romeo kabilang ang back-to-back 3s na pumatay sa rally ng Aviators.

Wala sa lineup ni coach Leo Austria sina June Mar Fajardo (ankle), Alex Cabagnot (flu) at Marcio Lassiter (knee). Inaasahang makakahabol na kontra Golden Kings si big man Kelly Nabong na manggagaling ng US.

Taob ang Blackwater Elite sa Seoul SK Knights 93-77 sa Group A. Tumukod ang TNT kay ex-Lakers Lance Stephenson at Liaoning Flying Leopards 96-91 sa Group D.

Wala sa Elite sina Bobby Ray Parks (Achilles), Mike Digregorio (flu) at Rabeh Al-Hussaini. Hindi rin naglaro sa KaTropa sina Troy Rosario, Don Trollano at Brian Heruela.

Must-win ang dalawa sa susunod na laro – Blackwater kontra Chiba Jets, TNT laban sa Niigata Albirex.

Top team lang ng bawat grupo ang aabante sa crossover semis, pag-aagawan ng winners ang $150,000 prize money sa championship.

Handa ang Beermen na sagupain ang defending champions Golden Kings.

“We’re looking forward to what the rest of the tournament has for us,” giit ni Chris Ross, pininturahan ang stats sheet ng 11 points, 6 rebounds, 5 assists at 6 steals. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy