Una sa Balita

Tepora umiskor ng TKO win vs Ortega

By
0 2,159

BINUGBOG-SARADO ni Jhack Tepora si Edivaldo Ortega sa ninth round bago tinigil sa natitirang 2:38 ang banatan para maikasa ang technical knockout win at angkinin ang World Bo­xing Association featherweight interim title kahapon sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Isang kanang mala-kidlat ang pinadapo muna ng 25-anyos na Filipinong boksingerong tubo’t residente ng Cebu City na nagpahalik sa Mexican sa lona, saka ito ginulpi pagkatayong muli na pumwersa sa referee na itigil ang labanan at iiwas ang banyaga sa disgrasya.

“Masaya po ako dahil pangarap ko po talagang maging world champion,” bulalas ni Tepora na umangat ang professional ring record sa 22-0-0 (win-loss-draw) na may 17 KOs victory habang balandra si Ortega sa 26-2-1 na may 12 KOs.