Una sa Balita

Teo pinagpapaliwanag sa bitbit na make-up artist sa abroad

By
0 3,046

Tumangging magkomento ang Malacañang sa isyu ng pagbitbit ni Tourism Secretary Wanda Teo ng umano’y kanyang make-up artist at ilang staff sa biyahe sa abroad.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque, maiintindihan ng Malacañang ang mga biyahe ni Teo sa ibang bansa dahil tungkulin nitong i-promote ang Pilipinas sa mga dayuhan suba­lit ibang usapin na aniya kung may bitbit itong mga personnel sa biyahe.

Mahigpit aniya ang mga panuntunan sa pagbiyahe sa abroad ng mga opisyal at kawani ng gobyerno batay sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya’t bahala ang kalihim na magpaliwa­nag kaugnay sa mga bitbit nitong mga alipores.

“Siguro po mas mabu­ting tanungin ninyo si Secretary Wanda Teo kasi hindi naman ako puwedeng magsalita on her behalf. She has her own Spokesperson. Well unang-una, hindi pa natin alam kung hindi kailangan iyan kasi Secretary of Tourism iyon.”

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More