Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tenorio reresbak, susunugin Phoenix

0 12

Team Standings
W L
TNT 8 1
Meralco 5 2
Magnolia 6 3
Rain or Shine 6 4
San Miguel 5 3
NorthPort 4 3
NLEX 4 5
Phoenix 4 5
Ginebra 3 5
Terrafirma 3 6
Alaska 2 4
Blackwater 0 9

Mga laro ngayon: (DHVSU, Bacolor)
3:00pm — TNT vs NorthPort
6:00pm — Ginebra vs Phoenix

HANGAD makabawi ng tinaguriang Iron Man na si Lewis Alfred ‘LA’ Tenorio sa nagtatanggol na Barangay Ginebra sa pagsagupa nito ngayong ga i sa kapwa naghahangad sa panalo na Phoenix Super LPG sa krusyal na yugto ng eliminasyon ng 2021 PBA Philippine Cup na ginaganap sa DHVSU Gym sa Bacolor, Pampanga.

Una muna magsasagupa ang kapwa maiinit na koponan na NorthPort Batang Pier na winalis ang tatlong sunod nito na laro sa nakalipas na linggo para umakyat sa 4-5 panalo-talong record at ang nangungunang TNT Tropang Giga na bitbit ang solong liderato sa 8-1 kartada sa ganap na alas-3 ng hapon.

Susundan ito ng salpukan sa pagitan ng Phoenix Fuel Masters na nasa kalaigtnaan ng labanan sa bitbit na 4-5 karta at ang nanganganib mapatalsik na defending champion na Barangay Ginebra na nasa hindi pamilyar na ikasiyam na silya sa tangan na 3-5 record sa tampok na laro sa ganap na alas-6 ng gabi.

Huling nabigo ang Gin Kings kontra sa Tropang Giga, 67-88, kung saan hindi nakaiskor ang 37-anyos na si Tenoiro sa laro matapos sumablay ang 13 nitong tira kasama ang pito mula sa tres bagaman mayroon itong limang rebounds at limang assists.

Maliban kay Tenorio, na huling nakatuntong sa Top 10 sa all-time career assists record ng liga sa laban kontra San Miguel, ay inaasahan din na gagawa ng malaking pagbabago sa Gin Kings ang multi-titled coach na si Tim Cone na nakataya ang 23 nitong titulo at dalawang grand slam sa huling tatlong laro kasama ang laban kontra Fuel Masters.

Haharapin ni Tenorio at Cone ang Fuel Masters na itinala ang dalawang sunod na panalo kontra Terrafirma Dyip at ang nanganganib mapatalsik ding Blackwater Bossing.

Samantala’y makukumpleto na ang 12 kasaling koponan sa liga sa pagbabalik ng Meralco Bolts at Alaska Aces sa aksiyon ngayong linggo.

Sasagupain ng Bolts ang Terrafirma sa Huwebes sa ganap na alas-2 ng hapon habang ang Aces ay tatapatan sa Biyernes ang Barangay Ginebra sa ganap na alas-6 ng gabi. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.