Una sa Balita

Tenorio nag-alala sa mga kababayan

0 263

Finals Game 4 bukas:
(Smart Araneta Coliseum)
7:00pm – Ginebra vs Meralco
(Gin Kings lead series, 2-1)

APEKTADO at labis ang pag-aalala ni Ginebra Gin Kings point guard LA Tenorio sa kanyang mga kababayan sa Batangas matapos ang malawa­kang ashfall dulot ng pagsabog ng bulkang Taal nitong Linggo.

Imbes na magselebra sa kanilang Game 3 victory laban sa Meralco, 92-84, nitong Linggo sa Big Dome para kunin ng koponan ang 2-1 lead sa best-of-seven titular showdown series ay nagpaabot ng kanyang pag-aalala sa mga kababayan sa Batangas ang player.

“Sa mga kababayan ko diyan sa Batangas, ingat po kayo at magdasal tayo! keep safe!” tweet ni Tenorio (@LA_Tenorio).

Ilan naman sa kanyang mga kababayan ang nagpasalamat sa pag-aalala ni nito.

“Salamat kabayan/idol congrats sa inyo…sana nga hindi na lumala to,” sabi ni @CruelEllene.

Sey naman ni @Myk19n2ny, “salamat kabayan..congrats..be safe mga kababayan…pray pray and pray..”

“Salamat po idol. Nakakatakot dahil sa sunod sunod na pagyanig at mahirap na huminga dahil sa abo Anyway, congratulations Kings!” tweet naman ni @mjplandez.

Tumapos si Tenorio ng 11 puntos sa Game 3 kasahog ang 2 rebounds at 4 assists at 2 steals para tulungan­ ang Ginebra na kunin ang one-game advantage kontra Meralco sa 2019-2020 pba Governors Cup finals. ­(Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More