Una sa Balita

Tenorio: Kailangan naming gumising!

0 361

Mga laro ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
4:30pm — Columbian vs. Meralco
7:00pm — TNT vs. Ginebra

DUROG ang Ginebra sa Meralco 101-77 noong Linggo, babalik ng Smart Araneta Coliseum mamaya ang Gin Kings para subukang bumawi.

Kaya lang, ang nangungunang TNT KaTropa ang toka ng crowd darlings sa second game mamaya.

Nasa solo-fifth ang Gins sa 5-3, samantalang kabuhol ng TNT ang NLEX sa 7-1 pero No. 2 ang Ka­Tropa dahil tinalo sila ng Road Warriors.

Twice-to-beat ang top four laban sa lower-ranked teams sa quarterfinals pagkatapos ng 11-game eliminations.

Related Posts

Para makaiwas sa handicap na win-twice ay kailangang magkumahog ang Gins, hindi puwede ang inilaro nila kontra Bolts na agad nagpabugbog at hindi na nakabawi.

Marami raw silang natutunang mistakes sa Meralco game na kailangan nilang i-correct at magamit sa playoffs.

“I hope this is a wake-up call again for us, especially going to the playoffs na,” bulalas ni LA Tenorio.

Matapos agawan ng panalo ng NLEX 113-111 sa overtime noong Oct. 5 sa Dubai sa la­rong pinabuka pa ng Gins sa 28, apat na panalo ang tinuhog ng Ginebra bago binalik sa lupa ng Bolts. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy