Una sa Balita

Tenorio, Jones nagtirahan

0 272

INIREKLAMO ni TNT KaTropa import Terrence Jones ang “cheap shot” na ibinigay sa kanya ni Ginebra guard LA Tenorio sa kanilang laro Miyerkoles nang gabi sa 2019 PBA Commissioner’s Cup.

Gayunman, sinabi ng kinikillalang “Iron Man” ng liga na si Tenorio na ang import ng KaTropa ang unang tumira.

Napatawan si Jones ng flagrant foul may 7:36 oras sa ikatlong yugto matapos na hatawin ng dating NBA player si Tenorio sa likuran habang nakahanda itong magsagawa ng basket.

“I just wanted to be aggressive. He kinda punched me in the s­tomach beforehand and they didn’t call it,” sabi ni Jones.

Aminado naman si Tenorio na kanyang kinadlit sa isang tagpo si Jones. Subalit ito ay upang pagbawi lamang nito sa ginawa naman sa kanya na malakas na pagbangga ni Jones bago ang sumunod na insidente.

“Siya (Jones) ang nauna,” sabi ng 34-anyos na si Tenorio na hiniling na i-review ng liga ang game tape.

Ito ang ikatlong pagkakataon na nasangkot si Jones sa maiinit na insidente kung saan una itong napatalsik sa laro sa laban kontra Alaska Aces, ikalawa sa insidente kontra kay Calvin Abueva ng Phoenix Fuel Masters at panghuli ay nito lamang naganap kontra Tenorio. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy