Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tenorio hindi nagkalat: ‘Tinyente’ flawless!

0 173

Finals Game 2 bukas: (AUF gym)

6:00pm – Ginebra vs TNT

(Gins lead series 1-0)

Smart Clark Giga City – Pati mga katunggali, napahanga ng flawless na inilaro ni LA Tenorio sa Game 1 ng PBA Philippine Cup Finals Linggo ng gabi sa Smart 5G-powered AUF gym.

“10 assists 0 turnovers in 43 minutes for Tinyente LA. Husay!” tweet ni Blackwater coach Nash Racela.

“LA dominated the 4th and OT!” ani San Miguel guard Chris Ross.

SM food to go Banner Ad

Inangklahan ni Tenorio ang 100-94 overtime win ng Ginebra sa TNT Tropang Giga.

Tumapos si Japeth Aguilar ng game-high 25 points at 16 rebounds. Nagdagdag si Stanley Pringle ng 24 points, 7 rebounds at 7 assists, pinagsamang 29 markers at 13 boards sina Scottie Thompson at rookie Arvin Tolentino.

Pero ang playmaking ni LA sa crucial stretch ang nagdala nang mapigil ang closer nilang si Pringle.

“They were doing a very good job on Stanley, switching out and doubling him down the stretch so we started putting the ball in LA’s hands ang making him make the decisions,” ani coach Tim Cone.

Nag-take charge ang Batangueno guard, sa assist niya galing lay-in ni Tolentino tungo sa 92-92 deadlock na nagpuwersa ng extra time. Sa OT, sinet-up niya muli sina Tolentino at Aguilar para sa semi-hook at dunk para sa 100-94 edge 19 ticks na lang.

“Sabi ko sa kanya (Cone), ako na didiskarte. Just give me the ball,” ani Tenorio, mukhang desididong sikwatin ang una niyang all-Filipino title sa loob ng 16-year career. “Importante lang talaga ‘yung huwag ka matakot na magkamali.” (VE)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.