Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tenorio babawi sa kapalpakan

0 151

Semis Game 4 ngayon: (Araneta Coliseum)
3:00pm — Ginebra vs NLEX (Gins angat, 2-1)
6:0m — Magnolia vs Meralco (Bolts angat, 2-1)

MOVE on na ang Ginebra sa blunder ni LA Tenorio noong Linggo na nag-resulta sa 86-85 loss sa NLEX noong Linggo.

Nakaiwas sa sweep ang Road Warriors, dinikit sa 2-1 ang best-of-five semis ng PBA Governors Cup.

Pupuwersa ng deciding game ang NLEX, misyon ng Gins na tapusin ang series sa Game 4 mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

Sa dying seconds noong huli, iwan ng tatlo ang Ginebra pero sa halip na maghanap ng 3 para makapuwersa ng overtime ay umatake sa loob si Tenorio.

Pasa din ni LA ang inagaw ni Cameron Clark na nagresulta sa three-point play.

“LA has won so many games for us,” salag ni coach Tim Cone. “He’s gonna get a bye on this one, that’s not a problem. The key for him is just moving on. Put it away and move on.”

Bukod kina Tenorio at Justin Brownlee, sasandal din si Cone kina Christian Standhardinger at Scottie Thompson.

Muling pambubulabog ni coach Yeng Guiao sina Clark, Kevin Alas, Justine Chua.

Day-to-day si Ginebra big man Japeth Aguilar, injured sa NLEX sina JR Quinahan at Matt Nieto.

“We would want to prolong the series,” giit ni Guiao. “Sa amin kasi, the longer the series, the better for us.” (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.