Una sa Balita

Tempus Fugit binigo si Munich

0 164

LUPAYPAY ang balikat ng mga liyamadista sa kanilang unang taya Linggo ng hapon matapos masilat ng Tempus Fugit ang outstanding favorite na si Munich sa PHILRACOM – RHBS Class 4 na pinasibat sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

Hawak ni Munich ang bandera sa rektahan pero nirematehan siya ni Tempus Fugit na nirendahan ni former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey­ of the Year awardee Jessie Guce para masikwat ang panalo at ibulsa ng kanyang owner ang P10,000 karagdagang premyo.

Biglang nagsigawan ang mga dehadista nang makita nilang humugot ng latigo ang hinete ni Munich na si RF Torres.

“Kapag lamang ka ng dalawang kabayo sa diretsuhan at humugot ka pa ng latigo ay posibleng paubos na ang kabayo mo kaya kailangan mong paluin para humakbang muli ng mabilis,” paliwanag ni Antonio Valenzuela, beteranong karerista.

“Pinagtiyagaan ko kahit dalawang kabayo ang agwat sa amin sa rektahan kasi nararamdaman ko paubos na rin si Munich at itong sakay ko na si Tempus Fugit ay may lakas pa,” saad ni Guce. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy