Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Temporary ban sa boracay inalis, paglutangan ng mga dikya nalutas

0 76

Kinumpirma ng Malay Tourism Office sa Aklan na maaari na uli maligo at magsagawa ng iba pang aktibidad sa isla ng Boracay matapos na alisin ang temporary ban na ipinatupad dito dahil sa paglutang ng libo-libong dikya noong Sabado.

Naispatan ang paglutang ng libo-libong dikya o jelly fish sa tatlong istasyon ng isla noong Sabado.

Sinabi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na kalimitang lumulutang ang mga dikya mula Mayo hanggang Setyembre dahil itinataboy ito ng hangin sa dalampasigan.

Bagama’t hindi nakamamatay, maaari namang magdulot ng pangangati o allergy kapag nadikit ito sa katawan ng tao.
Dahil dito kung kaya’t pinagbawalan ang pag­lublob sa tubig habang nagkukumpulan ang mga dikya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.