Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Teleserye nahinto sa Covid-19

0 100

Hindi pa tapos ang pandemya. Kaya dapat ay doble ingat pa rin.

Mag-ingat pa rin tayo sa paglabas-labas natin, dahil hindi pa rin nawawala ang Covid-19.

Nanatili pa rin ito sa paligid natin at ‘yung wala pang bakuna ay magpabakuna na sana. Wala naman mawawala sa inyo kung magpabakuna kayo, para maging protektado kayo at pamilya niyo.

Naku, bakit ko nasabi na nandiyan pa rin talaga ang Covid-19? Nalaman ko kasi na may mga taping ng teleserye na naman na natitigil dahil dinadapuan ng Covid-19 ang ibang involve sa production.

Although hind na ganun kalala ang hawaan, pero nakakaistorbo pa rin sa mga taping. Kumbaga, hindi pa rin pinapapasok ang mga nagka-Covid, at ang iba nga ay pinatigil taping muna para makasiguradong ligtas ang lahat.

Kaya mag-ingat pa rin tayong lahat!

Bitoy, Manilyn sabak ulit sa trabaho

Samantala, marami naman ang natuwa at balik trabaho na ang mga dati, o orig na cast ng ‘Pepito Manaloto’ tulad nina Michael V o Bitoy, Manilyn Reynes.

May hashtag nga sila na ‘Pepito Manaloto Family Forever’.

Sa pagpasok ng bagong linggo ay good news agad dahil Book 3 na sila at ‘Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento’ na ang titulo, kaya tuloy-tuloy na ang ligaya.

Happy ang old cast ng ‘Pepito Manaloto’ na nagkikita-kita sila muli, after ng ilang taon.

Sana makadalaw kami sa taping nila gaya ng dati. Kaya aabangan natin ang mga future episodes ng ‘Pepito Manaloto’ sa mga susunod na Sabado.

Leave A Reply

Your email address will not be published.