Una sa Balita

Telenovela ni Trillanes, nilalangaw na – Palasyo

By
0 1,375

KINANTIYAWAN ng Malacañang si Senador Antonio Trillanes IV dahil sa patuloy na pana­natili sa Senado na uma­bot na sa halos kalaha­ting buwan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na laos na ang telenovela ng senador at kupas na rin ito dahil sawa na ang tao sa kanya.

Wala na aniyan­g pumapansin kay Trillanes at tama lamang ang reklamo ng ilan sa kanyang mga kasamahan dahil ginawang board and lodgin­g ang senado.

“Laos na telenovel­a na ‘yang ginagawa ni Senador Trillanes at laos na talaga siya dahil wala nang pumapansin sa kanya diyan. At tama ‘yung reklamo ng kanyang mga kasama­han,” ani Roque.

Muling binigyang-diin ni Roque na ang tangin­g may libreng board and lodging ay ang Presidente at walang ganitong benepisyo ang mga senador.

Sinabi pa ni Roque na tapos na ang bagyong Ompong kaya’t dapat umuwi na ito sa kanyang tahanan.

“Uulitin ko ang tangin­g may libreng board and lodging ay ang Presidente. Wala pong ganyang prebilihiyo ang mga senador. Bagama’t alam ko po bahain ang bahay niya eh diyan muna siya sa Senado bago umuwi. At ngayong tapos na ang Ompong eh umuwi na po kayo,” dagdag pa ni Roque.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy