Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Telegram app user lomobo sa pagpalya ng FB

0 84

Lumobo na sa 70 milyon ang bagong user ng messaging app na Telegram sa gitna ng pagpalya o pagkakaroon ng outage ng Facebook kamakalawa.

Sa ulat, ayon na rin kay Pavel Durov, founder ng Telegram, sa loob ng halos anim na oras na hindi ma-access ng users ang Facebok ay dumagsa ang nagpa-install ng Telegram app.

Aniya’y lagpas sa normal ang dami ng daily users nito sa loob ng isang araw.

Dahil naman sa pagbuhos ng user ng nasabing app ay nakaranas ang kanilang applications ng pagbagal.

Nauna rito’y natengga ng halos anim na oras sa buong mundo ang Facebook at iba pang mga App nito tulad ng Instagram, Messenger, maging ang WhatsApp.

Nagsimulang maramdaman ang pagpalya nito sa bansa bandang 11:40 ng Lunes ng gabi, Oktubre 4.

Bandang alas-6 ng umaga, Martes, Oktubre 5 nang muli na itong magamit.

Leave A Reply

Your email address will not be published.