Una sa Balita

Telecommuting, karagdagang working arrangement

0 657

Ganap na pong maipapatupad ang isinulong nating ‘Telecommuting Act’ o Republic Act 11165 matapos magkabisa ngayong Abril ang Implementing Rules and Regulations (IRR) nito.

Opsyon na po ng mga empleyado sa pribadong sektor ang telecommu­ting o ‘work from home,’ isang additional working arrangement na ating isinulong sa Senado.

Sa pamamagitan ng telecommuting, maaa­ring gawin ang trabaho sa bahay o sa labas ng opisina sa pamamagitan ng telecommunication o computer technology.

Nakasaad po sa IRR na maaaring boluntaryo o resulta ng collective bargaining ang telecommu­ting program, parehong kagustuhan dapat ito ng employer at empleyado at kailangan din pong ikonsidera ang uri ng trabaho na dapat gampanan ng manggagawa.

Nais po nating bigyang-diin na ang mga empleyadong mabibigyan ng opsyong mag-telecommute ay may karapatan sa overtime at araw ng pahinga, leave benefit, social welfare benefit at seguridad sa trabaho.

Kahit na po work from home ang empleyado, kailangan din pong sundin ang occupational safety and health standards (OSHS) para matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng manggagawa.

Samantala, lumabas po sa survey ng Employers’ Confederation of the Philippines o ECOP na tanging ang mga managerial employee, consultant at mga project staff ang pinapayagang mag-telecommute sa ngayon.

Dahil po sa isinulong nating batas, 87% po ng mga respondents ang nagpahayag ng kanilang kabukasang magpatupad ng telecommuting prog­ram sa kanilang mga kompanya para sa mas maraming trabaho.

Ayon sa survey, na­ngunguna po ang IT-BPM, manufacturing at services sector sa mga nagpapatupad ng telecommuting. Sa pagkakaroon ng bisa ng IRR ngayong Abril, tiyak po tayong mas dadami pa ang mga industriyang magpapatupad nito.

Kaya’t patuloy po na­ting pagtutuunan ng pansin ang pagsasaayos ng internet connection sa bansa sa pamamagitan ng ‘Free Internet on Public Spaces Act’ na makakatulong po sa malawakang implementasyon ng Telecommuting Act.

Bukod po sa solusyon ang telecommuting sa malalang sitwasyon ng traffic at pagpapaigting ng work-life balance, naniniwala tayo na magbibigay ang telecommuting ng dagdag na trabaho.

Nagpapasalamat po tayo sa ating mga kasamahan sa Senado tulad nina Senator Sonny An­gara, Senator Nancy Binay at Senator JV Ejercito sa pagsusulong ng Telecommu­ting Act at sa patuloy nilang pagpapahalaga sa kapakanan ng ating mga manggagawa.

Job Fair Schedule:

Himaya-an Festival Job Fair—New City Hall Ground, Brgy. Talaban Himamaylan City—April 23
Sudipen Job Fair—ABC Hall, Sudipen, La Union—April 24
(senatorjoelvillanueva@yahoo.com)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy