Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Telco tower gatasan ng mga Mayor

0 393

Sinumbong ni Globe Telecom president at chief executive officer Ernesto Cu kay Pangulong Rodrigo Duterte ang hirap at gastos na pinagdaraanan ng mga telecommunication company sa pagkuha pa lamang ng permit mula sa mga local government unit para magtayo ng tower na kailangan upang mapabilis ang internet service nila.

Sa taped public address ng Pangulo nitong Biyernes ng umaga, pinagsalita si Cu at isiniwalat nito ang napakahabang proseso ng pagkuha nila ng pahintulot sa mga LGU kung saan umaabot ng 29 permit at mahigit walong buwan pa bago sila makapagtayo ng isang tower lang. Bukod sa napakaraming permit, marami pa aniya silang binabayaran.

“Ang 25 to 29 permit, umaabot ng walong buwan. Tapos marami pa ho kaming miscellaneous fees. Iba’t ibang klaseng tower fees. Meron kaming special use permit. Hindi ho namin ma-standardize,” pagbubunyag ni Cu sa Pangulo.

“Hindi ho namin alam kung ano ang itutuloy eh sa dami ng permit na required para makarating kami sa stage na ready to build,” dagdag pa ni Cu.

Matapos marinig ang mga karaingan ng Globe executive, hinimok ni Pangulong Duterte ang mga telco na maghain ng pormal na reklamo laban sa mga lokal na opisyal na pabigat sa proseso ng mga requirement para makapagtayo ng karagdagang telco tower.

“It’s really corruption,” sabi ng Pangulo. “Ang order ko sa Cabinet ngayon is to really take `yong pinakamabigat, the most drastic measures that you can find para magkaintindihan na tayo,” sabi ng Pangulo.

“Isumbong lang ninyo, diretso,” aniya pa.

Matatandaang noong Hulyo 23 lamang ay nilagdaan ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) at ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang joint memorandum circular para mabawasan ang oras ng pagproseso ng mga requirement para sa pagtatayo ng mga telco tower na inaabot ng walong sa mga national government agency at LGU.

Layon ng kasunduan naga wing 35 araw na lamang ang pagproseso ng mga dokumento para sa pagtatayo ng telco tower at nagbabala pa si ARTA Director General Jeremiah Belgica na iimbestigahan at sasampahan ng kaso kung kinakailangan ang mga hindi susunod sa circular. (With PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.