Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Telco installer dedo sa live wire

0 95

Binawian ng buhay ang 37-anyos na lalaki matapos itong makuryente habang nagkakabit ng poste ng telecommunication sa Barangay Tammocalao, Bacnotan, La Union Sabado ng hapon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakilala ang biktima na si Isidro Delabajan, tubong-Antipolo City, Rizal, at kasalukuyang nakatira sa nasabing bayan. Base sa report ng Bacnotan Police Station, bago mangyari ang insidente, nagkakabit ang biktima ng poste ng telco nang aksidente umano nitong nasagi ang isang high tension live wire.

Sa lakas ng boltahe, nasunog ang buong katawan ng biktima na agad na isinugod sa Bacnotan District Hospital ngunit idineklara rin itong patay ayon sa mga doktor. (Allan Bergonia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.