Una sa Balita

Teknikalidad ‘wag iharang sa Hacienda Luisita

By
0 143

Nanawagan ang simbahang Katolika na huwag nang idaan pa sa teknikalidad ang pamamahagi ng lupain sa Hacienda Luisita.

Ito ang pinakiusap ni Bishop Enrique Macaraeg, ng Diocese of Tarlac sa pamunuan ng Cojuangco controlled Tarlac Development Corporation (TADECO) matapos ipag-utos ni Department of Agrarian Reform (DAR) secretary Rafael Mariano ang pamamahagi ng 358-hektaryang lupain sa Barangay Cutcut at Balete sa loob ng Hacienda Luisita.

Iginiit ni Macaraeg na dapat nang ibigay sa mga magsasaka ang lupang sakahan na matagal na nilang pinaghihirapan.

Hinimok ni Bishop Macaraeg ang TADECO sundin ang Darco Resolution M-S 1608-234 na nilagdaan ni Mariano na nag-aatas na ipamahagi na ang lupa sa mga farmer beneficiary.

Umaasa si Bishop Macaraeg na huwag ng gumamit ng kung anu-anong teknikalidad ang TADECO para maantala na naman ang distribusyon ng lupang sakahan sa mga magsasaka.

Hinimok naman ng Obispo ang mga magsasaka na patuloy na ipaglaban ang kanilang karapatan sa lupang agraryo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy