Una sa Balita

Tekla unprofessional!

By
0 27

Matagal na ang isyu tungkol sa pagkawala ni Tekla  sa Wowowin, ang game show ni Willie Revillame sa GMA 7, pero isang inside­r ang nagkuwento sa Abante tungkol sa isa sa mga dahilan kaya natanggal sa programa ang komedyante.

“Hindi kasi professional si Tekla. Actually, hindi naman talaga galit si Willie sa kanya. Na-turn off lang siya dahil unprofessional si Tekla.

“May time na natulog siya sa dressing room niya tapos umalis siya na walang paalam. May sakit kasi siya noon. Ang mali lang na ginawa ni Tekla, umalis siya nang walang paalam.

“Feeling ni Willie, ginawa lang hotel ni Tekla ang dressing room niya. Ilang beses na siyang pinagbigyan ni Willie.

“May times na ipinu-push namin na ibalik si Tekl­a sa show kasi parang malaking kawalan siya pero­ sabi ni Willie, ito-tolerate niyo ba ang isang tao na ganyan?

“Sabi niya, ‘Ngayon lang ‘yan mainit. Nga­yon lang ‘yan, ‘yung ingay pero hindi naman ‘yung show ang nawala.

“Nag-try si Tekla na bumalik. Hindi siya nakiusa­p pero ang tagal bago siya nagpakita uli kay Willie­. Okey lang kay Willie na tumanggap si Tekla ng mga raket kasi alam niya na ‘yung status ni Tekla, kailangan ng pera, go lang as long as hindi natatamaan ang schedule ng Wowowin taping.

“‘Yun nga, na-turn off si Willie dahil unprofessional si Tekla, maraming beses na niyang pinagbigyan,” ang rebela­syon ng Abante source na privy sa mga nagaganap sa studio ng Wowowin.