Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Tekla tawang-tawa sa ‘Pera o Bayo’

0 317

Panay ang pasalamat ni Super Tekla sa kanyang mga follower sa Facebook. Ramdam na ramdam ni Tekla ang suporta sa kanya ng mga fan, lalo na at lumulutang na rin ang tunay na pagkatao ng kanyang dating dyowa.

Anyway, idinadaan na rin sa biro ni Tekla ang naging patutsada sa kanya na ‘Pera o Bayo’ na nabuo nga dahil sa paratang ni Michelle na kapag walang dyug ay hindi siya bibigyan ng pangkain, kaya nauuwi sa ‘pagbabayo’ si Tekla. Itinanggi na ni Tekla ang mga patutsada na `yon ni Michelle.

Nagtataka lang ako dahil agad ding binura ni Tekla ang mga post niya sa Facebook. Ang dami pa namang nagkomento sa mga `yon, na masaya sila, at suportado nila si Tekla.

Anyway, bagamat paunti-unti ay nakakaramdam na rin ng saya si Tekla, muli nga siyang nalungkot sa pagkamatay ng isang kaibigan na komedyante rin, si Denish Apacible aka Wacky Macky. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.