Una sa Balita

Teka! Parang nawala sa pokus ah!

By
0 118

Tila nagkakalimutan na sa isyu ng mga pangu­nahing pangangailangan ng mga tao tulad ng lib­reng gamot, libreng pagpapaospital, mura at sapat na supply ng pagkain, trabaho at iba pa.

Ito ang puna ng tumatayong minority leader sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na si Quezon Rep. Danilo Saurez kaya nanggising ito sa liderato ng Kamara at maging sa palasyo ng Malacañang.

Sa press briefing matapos ang kanilang regular na pulong, sinabi ni Suarez na nawawala sa pokus ang gobyerno at maging ang Kongreso sa isyu ng mga pangunahing panga­ngailangan ng mga tao.

“I will outline something that is really bothe­ring us…nafo-focus tayo kung saan-saan,” ani Suarez, dahil hindi na napag-uusapan ang isyu sa karagdagang trabaho, pabahay, libreng pagpapaospital sa mga mahihirap na nagkakasakit, murang kuryente at tubig at iba pa na nakaaapekto sa buhay ng mga karaniwang mamamayan.

Natatakpan na aniya ito ng mga isyu ng pagpatay sa mga drug personalities, Charter change (ChaCha), isyu sa girian ng gobyerno at mga rebeldeng komunista. Kaya naman manga­ngalampag na umano ang mambabatas.

“Parang wake-up call lang ito, parang sinasabi namin na hey, we can continue on this subjects that this administration is trying to push but there’s a lot of thing that should be done and should be given prio­rity,” giit nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy