Una sa Balita

Teener nabaril; target na lady pusher nakapuslit

By
0 1

Sugatan ang isang 17-taong gulang na estudyante matapos mabaril at madamay sa away sa droga habang nakatakas naman ang lady pusher na target ng mga suspek kahapon ng madaling-araw sa Pinagbuhatan, Pasig City.

Kinilala ni Sr/Insp. Roberto Garcia, hepe ng Investigation Division ang biktima na si Rey John Mortel y Bondal, residente ng 0118 Bondal Compound, Caliwag, Barangay Pinagbuhatan, Pasig City na nagtamo ng bala sa kaliwang binti.

Batay sa report, naganap ang pamamaril bandang alas-tres ng madaling-araw sa kahabaan ng Caliwag St., Barangay Pinagbuha­tan, Pasig City.

Abante Hiring – IT dep

Habang nasa lamay ang biktima ay duma­ting ang mga suspek na nakilala lamang sa mga alyas ‘Jeck’, ‘Roel’, ‘Darrel’, at tatlong hindi pa nakikilalang suspek na sakay ng motorsiklo.

Agad umanong nagpaputok ang mga suspek nang makita sa lamayan ang target nilang lady pusher na si Baby Lubusta subalit mabilis na nakatakas at nadamay ang binatilyong biktima.

Agad na dinala sa Rizal Medical Center ang biktima na tinamaan sa binti.

Kasalukuyang nagsasagawa ng follow-up operations ang pulisya upang maaresto ang mga suspek at mahuli ang kinikilalang lady pusher.