Una sa Balita

Teenager tumalon sa condo, patay

By
0 116

May ilang oras pang nakipaglaban kay kamatayan ang isang 17-an­yos na estudyante bago ito binawian ng buhay dahil sa matinding pinsalang ti­namo ng ulo at katawan matapos tumalon sa ika-apat na palapag ng isang condominium, kamakalawa ng umaga sa Ermita, Maynila.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Bernardo Ca­yabyab ng Manila Police District – homicide section (MPD-HS), naganap umano ang pagtalon ng biktimang si Remelyn Saria, taga-292 Alapan 2nd Imus, Cavite dakong alas-8:20 ng umaga sa Robinson’s Place Re­sidency Tower 2 sa may Padre Faura St. Ermita, Maynila.

Isinugod umano sa Philippine General Hospital (PGH), ang biktima pero idineklarang patay dakong alas-2:30 ng hapon.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sa mga kaibi­gan ng biktima na si Pauline Lusuegro ,19, at Ariane Gilboy, 19, mayroon umanong problema ang biktima sa kanyang pa­milya partikular na sa lola nito kung saan mali­mit pagalitan at mag-away ang dalawa.

Bago lumundag sa condominium, nakitang humahagulgol at nagtatakbo ang biktima, tinangka umano itong habulin ni Lusuegro pero hindi umano ito nakita nang sundan at nang makita ay nakahandusay na ito sa ground floor ng condominium.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy