Una sa Balita

Teenager swak sa carnapping

0 238

DINAMPOT ng mga awtoridad ang 18-anyos na la-laking huli sa akto na tinatangkang nakawin ang kotse ng isang negosyante sa Brgy. Sto. Cristo, Angat, Bulacan kamakalawa.

Ayon kay P/Col. Chito Bersaluna, hepe ng Bulacan Police, nahuli si Gabriel Castro, habang nasa loob ng kotse ng hindi pinangalanang negosyan-te sa nasabing barangay.

Nabatid na umalarma ang itim na Mitsubishi Adventure na may plakang UJQ-839 kaya sinilip ng biktima ang kotse at nakita sa loob ng sasakyan si Castro.

Humingi ang biktima ng tulong sa mga pulis na rumesponde at nadakip ang suspek na nakumpiskahan ng dalawang screwdriver at dalawang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu. (Jun Borlongan)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy