Una sa Balita

Teenager natagpuang nakabitin sa kisame

0 323

Binigti o nagbigti?

Ito ang kuwestiyon ngayon ng mga tauhan ng pulisya sa sinapit ng isang 17-anyos na binatilyo mula sa Nueva Ecija nitong Biyernes.

Sa ulat sa tanggapan ni Police Col. Leon Victor Rosete, Nueva Ecija police director, natagpuang nakasabit sa kisame ng kanilang tahanan ang biktimang itinago sa pangalang Gilbert.

Nabatid na dakong alas-sais ng gabi nang matagpuan ni Gng. Emilyn, ang labi ng pamangkin na mga 8 talampakang nakaangat sa lupa gamit ang taling nylon.

Sa tulong ng kanyang mister ay ibinaba ang naninigas nang bangkay ng teenager.

Ayon pa sa tiyahin ng biktima, kasama ni Gilbert na namumuhay ang tatay nitong may diperensiya na sa pag-iisip.

Dinala ang bangkay sa FS Funeral Homes subalit tumanggi ang mga kaanak na isailalim pa ito sa kaukulang awtopsiya. (Jojo De Guzman)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More