Teenager huli sa bitbit na droga sa selda

By

ZAMBOANGA CITY — Isang teenager ang dinakip ng mga jail guards sa Zamboanga del Norte province matapos makuha sa kanya ang isang ma­laking sachet ng hinihinalang droga habang bumibisita sa kanyang ina na nakapiit dahil sa pagbebenta ‘di umano ng shabu.

Ayon sa pulisya, nakuha umano sa medyas ng 13-anyos na estudyante ng Zamboanga Del Norte National High School sa Dipolog City ang pakete ng shabu matapos itong dumaan sa inspekyon kamakalawa ng tanghali.

At sa kanyang cellphone, naroon naman ang text messages ng ina na si Rebecca Buaya na nag-utos sa bata na bumili ng shabu at dalhin sa kanyang selda sa Zamboanga Norte Correctional And Rehabi­litation Center sa bayan ng Manukan.

Nabatid na si jail guard Susana Tolentino ang nakadiskubre ng droga at ang text messages ng ina ng menor-de-edad sa cellphone. Nasa pulisya na umano ang bata at may pahintulot umano ang Department of Social Welfare dito habang inihahanda ang kaso laban sa mag-ina.
Sinira umano ng ina ang kinabukasan ng sari­ling anak sa pag-uutos sa bata na bumili at magdala ng droga sa piitan. 

SHARE