Una sa Balita

Teddy Boy Locsin susunod na DFA secretary

By
0 127

HINIHINTAY na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kumpirmasyon ni Philippine Ambassador to the Uni­ted Nations Teddy Boy Locsin na tinatanggap na nito ang alok para ma­ging susunod na secretary ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Sinabi ng Pangulo na inalok na niya kay Locsin ang puwestong iiwanan ni Secretary Alan Peter Cayetano dahil tatakbo ito sa pagka-kongresista sa 2019 midterm elections.

Aniya, wala pa siyang permiso ni Locsin para ianunsiyong siya ang ipapalit kay Ca­yetano.

Inatasan ng Pangulo ang kanyang aide na si Special Assistant to the President (SAP) Bong Go para tawagan si Locsin at tanungin kung puwede nang banggitin ang pa­ngalan nito.

“Bong tawagan mo nga si Teddy Boy Locsin, sabihin mo kung puwede bang i-mention niya pa­ngalan dito?” anang Pa­ngulo kagabi, pagdating sa bansa mula sa Bali, Indonesia.

Sinabi ni Duterte na hindi pa siya sigurado kung tatanggapin ni Locsin ang puwesto sa DFA kaya hindi pa sana niya iaanunsiyo ito.

Ayon sa Pangulo, taglay ni Locsin ang karakter ng makapangyarihang tao na siyang kailangan para sa ahensiya.

“Naghahanap ako ng mestizo kagaya niya para hindi sila manghimago. I don’t know if I have to – baka ayaw niyang i-announce. I do not have his permission. He is more powerful guy than…” dagdag pa ng Pangulo.

Kinumpirma naman ni Locsin sa kanyang Twitter account na tinanggap na niya ang alok na posisyon sa kanya.

“I was asked I said yes; but love UN, the many friends & intellectual companions I made. But I didn’t say no when asked as I didn’t when he told me I was UN ambassador,” sabi ni Locson.

“If my Tito Chito Aya­la trusted him implicitly; how can I not. Still UN work is like shar­pening a blade every day,” dagdag nito.