Una sa Balita

Team Sagupaan sa Pasay ngayon

0 292

ILANG miyembro ng Team Sagupaan sa pangunguna nina sabong idol Patrick Antonio at Tony Antonio ang liyamado sa “Erica and Friends 4-Cock Derby” sa Pasay City Cockpit ngayon, Biyernes, Jan. 17.

Aabot sa P300,000 in cash prizes ang laan sa winners sa derbing hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Ayon kay PCC pit manager Gerald Go, may mga miyembro rin ng Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) at Metro Manila derbyists ang kasali, Kasunod na ang “Ace and Elbie 4-Cock Derby” sa Jan. 24.

Samantala, puwedeng tumulong ang mga apisyonado sa Taal volcano eruption sa Batangas.

Dalhin lamang ang mga donasyon sa PCC office sa pag-asiste ni Jerald Picazo.

Sa Feb. 14, 21 at 28 ang “2020 LGBA Cocker of the Year” race sa Pasay Cockpit. (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More