Una sa Balita

Team Sagupaan sa LGBA Derby

0 570

MANGUNGUNA ang Team Sagupaan sa pagpapa­tuloy ng “2020 LGBA Cocker of the Year” series sa Pasay City Cockpit sa Biyernes, Pebrero 28.

Hatid ng Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA), taya ang higit P1 milyon sa 4-cock finals na itataguyod ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Sasali si sabong idol Patrick Antonio, galing sa back-to-back championship sa National Cockers Alliance (NCA) derby, kasama sina three pointer Arnold dela Cruz, Hector Magpantay at Ronnel Pasia.

Ang ibang three pointer ay sina Percy Modomo, lawyer Jun Caparroso, Mel Lim, Nelson Uy/Dong Dhung, Boy Gamilla, Mayor Rommel Romano, Boy Tanyag at Jimmy Junsay/Dennis Reyes/Ed ­Ladores.

Umiskor ng 2.5 puntos sina Jeffrey at Aylwyn Sy ng Team Sagupaan kasama sina Raymond ­Velayo, Toto Gregore, Mamad Villarubio, RM Senor Vicente entry, Vic Bilangel at Jong Daed. (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More