Una sa Balita

Team Rebel Sports gumawa ng mga PPE

0 355

HABANG tumatagal ang pagsugpo sa coronavirus (COVID-19) pandemic ay patuloy din ang pangangailangan ng mga frontliner at medical worker ng kanilang mga personal na panlaban sa sakit.

Patuloy na problema ng mga doctor, nurse at staff ang kakulangan sa mga personal protective equipment (PPE).

Kaya naman isa sa mga lokal na kumpanya ang nagsagawa ng hakbang para matulungan ang problema na walang iba kundi ang kilalang sports apparel manufacturer na Team Rebel Sports.

Katulong ang kilalang fashion designer na si Michael Leyva, ang TRS na official jersey provider ng NorthPort sa PBA at Lyceum sa NCAA ay pansamatalang binago ang operasyon ng factory nito sa Antipolo upang makapagbigay tulong sa pangunahing pangangailangan ng mga frontliner.

“Actually, Michael Leyva approached us because he needed help,” sabi ni Team Rebel Sports owner Joel Cu.

“Of course, we cannot turn a blind eye on our modern-day heroes. That is why we immediately said yes to Michael. Para sa bayan ito.” (Lito Oredo)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More