Una sa Balita

Team Pilipinas ratsada agad

0 282

TINUPAD ni John ‘Rambo’ Chicano ang kanyang pangako Linggo nang umaga na ibibigay sa Pilipinas ang pinakaunang gintong medalya sa dominanteng pagwawagi nito sa individual men’s triathlon event sa isinasagawa na 30th Southeast Asian Games sa Subic Bay Boardwalk sa Zambales.

Ikalawang pagkakataon naman ito sa multi-sports na torneo na itinala ng Pilipinas ang 1-2 pagtatapos matapos na pumangalawa si Andrew Kim Remolino para sa gintong medalya.

Ilang oras naman matapos ibigay ang u­nang gintong medalya ay naipagtanggol at pinatunayan ng defending women triathlon champion na si Kim Mangrobang na siya pa rin ang reyna sa pagtatala ng golden double para sa host na bansa na nagpasimula ng masayang selebrasyon sa unang araw pa lamang ng kompetisyon.

Winalis ng men’s team ang apat na gold sa arnis livestick. Inumpisahan ni Dexler Bolambao ang ratsada nang kalusin si Paing Soc ng Myanmar via unanimous decision sa bantamweight division.

Humabol naman ng gold si world champion Carlos Yulo sa individual all-around event ng men’s artistics gymnastics.

Umiskor si Yulo ng 84.900 upang masungkit ang gintong medalya.

Nagdeliber din si wushu artist Agatha Wong sa women’s taolu taijiquan para madepensahan ang kanyang korona.

Magandang performance ang ipinamalas ni Wong na nagtala ng 9.67 score para madepensahan ang kanyang titulo sa biennial meet. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More