Una sa Balita

Team Matthysse lumanding na sa KL

By
0 1,120

LUMANDING na sa Kuala Lumpur kahapon ang Team Matthysse matapos ang 18 oras na biyahe mula sa Argentina.

Ang una nitong inatupag, ensayo sa gym at inisip na ulit si Manny Pacquiao.

“This is Manny Pacquiao, and this is the quest for anyone in boxing (to defeat Pacquiao,)” kuda ng 35-anyos na si Lucas na tinaguriang ‘Las Maquina’ at may 36 KO sa 39 panalo kontra apat na talo.

Sa darating na Lunes naman, inaasahang bibiyahe ang kampo ni Pacquiao para sa July 15 war nila sa Axiata Arena.

Tila hibang na paulit-ulit na sinasabi ni Matthysse na tatalunin niya si Pacquiao, 39-anyos, may pinaparadang 59-7-2 panalo-talo-tabla kartada kabilang ang 38 KOs.

“Manny Pacquiao. I want to defeat a legen­dary fighter like Manny. This is not Judah, Alexander, Postol or Garcia,” satsat pa nito, na nangakong hindi bibitawan ang WBA welterweight diadem.