Una sa Balita

Team Giannis nagpiyesta kay Harden

0 401

TINARGET ng Team Giannis ang depensa ni James Harden ng Team LeBron sa 2020 NBA All-Star game.

“Offensively, we were just trying to find whoever James Harden was guarding,” kuwento ni Antetokounmpo sa post-game interview matapos magwagi ang Team LeBron 157-155 kahapon.

“That’s who we thought we had an opportunity to score on.”
Pumalpak sila!

Inasawa ni Harden ang pumoposteng si Pascal Siakam sa pares ng post up sa fourth quarter, sinundan pa ito ng Houston Rockets superstar ng mahigpit ding depensa kay Kyle Lowry kung saan angat ang Team LeBron 154-153.

Kilala kasi ang 6-foot-5 shooter na si Harden bilang isa sa mga worst defender ng NBA kaya naman plano nilang samantalahin ito para makamit ang inaasam na tagumpay.

Pero binigo sila ni Harden­ dahil nagdeliber ito ng 11 point, 6 assist, 3 rebound, 2 block at 1 steal sa laro.

Ilang netizen naman ang nagtatanong kung may galit ba si Giannis kay Harden?

Tanong ni @lowrymadthicc, “what is his weird obsession with Harden?” (Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More